Sunday, October 26, 2008

Usapang Pag Ibig ni Bob Ong

I'm reposting this from Neighbor Ria who reposted it also from her friend Maita who crossposted from her friend, Tricia's blog (pahaba ng pahaba ang references... oops not in APA format)
=================================
1. "Kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya.."
- ay parang John lloyd line ito!

2. "Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba."
- kailan ko magagamit itong linyang ito. MY TURN! MY TURN! (I agree Neighbor!)

3. "Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang."
- baka mapikot ka at di ka na makabitaw

4. "Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na."
-may mga taong sadyang ganito. mahilig humawak ng kung ano ano
5. "Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin."
- kasi may ibang tao ayaw maglakad sa hagdan...

6. "Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo. Dapat lumandi ka din."
- Amen =) . All is fair in love and war ika nga...

7. "Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na
araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang."
- Whatever!

8. "Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa."
- "Remove the bandaid agad.. wag maging masochista... " But yeah likas sa tao ang maging tanga

9. "Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka.
Kaya quits lang."
- Kaya nga tinatawag na "It's Complicated"

10. "Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una."
- hmmm... in feyrness may sense

11. "Hindi porke't madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa."
- Hep! Sounds Familiar..."Wala naman sa usapan natin na you will fall in love with me."

12. "Huwag magmadali sa lalaki o babae. Tatlo, lima, sampung taon, mag-iiba ang pamantayan mo at maiisip mong hindi pala tamang pumili ng kapareha dahil lang maganda o nakakalibog ito. Totoong mas mahalaga ang kalooban ng tao higit sa anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan nagmumukha ding pandesal, maniwala ka.
- Papanget din siya.

13. "Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa rin maghintay, kasi hindi ikaw ang priority."
- Youre nothing but a second rate trying hard... second choice. Ouch!

14. "Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung hindi ikaw yung bida sa script na pinili nya."
- hep!hep! Kaya maging kapuso ka na lang.. Ikaw pa ang Bida.

15. "Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo."
- Regrets come too late kung asa kabilang dulo na ng mundo ang tinalikuran mo. Mahal ang ticket ngayon sa eroplano.

16. “Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala.”
- does this qualify as "it's better to have loved and lost than never to have loved at all"? letseng mga hirit yan.. hehe..affected... ( I agree neighbor!)

17. “Hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohan, at hindi lahat ng hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan”
- Denial and projection and tawag diyan.

18. "Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lang yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sma ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!"

- At the end of the day, tayo ang namimili na maging TANGA.

19. "Pakawalan mo yung mga bagay na nakakasakit sa iyo kahit na pinasasaya ka nito. Wag mong hintayin ang araw na sakit na lang ang nararamdaman mo at iniwan ka na ng kasiyahan mo."

- But then again.. we need to take risks. minsan wagi, minsan plakda.. weather weather lang yan..

20. "Gamitin ang puso para alagaan ang mga taong malalapit sa iyo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo."

21. "Ang pag-ibig parang imburnal...nakakatakot mahulog...at kapag nahulog ka, it's either by accident or talagang tanga ka."

-or dahil mahal mo lang talaga siya.. hep!

2 comments:

Anonymous said...

MARE I LOVE THIS ENTRY!!! PUT A SMILE ON MY FACE...LAUGHED AND SNICKERED AT SOME...HAHAHA...MAI-REPOST DIN SA AKIN AH...HAHAHA!!!

LAV ET!!!!!!!!!!!!

karen

Anonymous said...

Ayos ito ha. Ang daming aral na kapupulutan.

beryl